Saturday, July 20, 2013

Ama at Ina kayo ang Tunay kong Iniidolo!

Aking Ama at ina, tunay kong iniidolo
Sa paghubog saamin, di kayo nabibigo
Pag-aaruga't, pagmamahal sa amin,sadyang di kumukupas
Palaging nandyan sa panahon ng kailangan.

Sa panahon ng pagsubok
Palagi kayong nandyan
Tumutulong lutasin, bawat suliranin
Sadyang kami ay maswerte sa inyong mga kamay.

Sa panahon ng lumbay, problema'y lulutasin
Kayong aming mga magulang, kami'y pasasayahin
Sila'y palaging may paraan, palaging may solusyon
Ginagawa ang lahat, dahil ayaw kaming malungkot.

Mga gawain sa bahay, kanilang inaayos
Binibigyan kami ng komportableng matitirhan
At kahit marami ang kailangang tapusin
Sila'y andyan pa rin, handa kaming tulungan.

Ama at ina, tunay ko kayong iniidolo
Sa pagmamahal sa amin, kayo'y di nagkulang
Kung kaya't heto kami ngayon, may galang at may alam
Sa mga kamay ninyo,di kami maliligaw.


- Ang aking iniidolo... =)